Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • balita.org

3 impeachment complaints vs VP Sara ipapasa na sa Speaker ngayong linggo | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Ipapasa na ang tatlong impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Speaker ngayong linggo.

Ito ang sinabi kahapon ni House Secretary General Reginald Velasco na kung saan ay nakatakdang magtapos ang sesyon ng Kamara sa Biyernes, Pebrero 7, at nakatakdang magbalik sa Hunyo 2 na.

Nauna nang sinabi ni Velasco na ilang miyembro ng Kamara ang humingi ng sapat na oras sa kanya para makapaghain pa ng ika-apat na impeachment complaint.

Nang tanungin naman kung wala nang pag-asa ang ikaapat na impeachment complaint, sinabi ni Velasco na.

“Hindi naman kasi nga anytime, one-third of the members can endorse it, can sign a complaint in my presence, and then diretso ‘yon sa Senate. Hindi na daraan sa Committee on Justice.”

Nasa 103 miyembro ng Kamara ang dapat na mag-endorso ng impeachment complaint para ito ay maipadala naman sa Senado. Makalipas nito ay ang Senado naman ang magdedesisyon at magsisilbing impeachment court.

Kung mangyari ito, hindi na kailangan para saHouse Committee on Justice na magsagawa ng mga pagdinig para sa impeachment complaints.

Read more on philstar.com
DMCA