Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Adamson humirit ng playoff sa UE | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buhay pa ang ang tsansa ng Adamson na mapa­sabak sa Final Four matapos kalusin ang Ateneo, 69-55 sa pagtatapos ng eimination ng UAAP Season 87 men’s basketball kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Tinapos ng Adamson ang elimination sa 6-8 baraha katabla ang University of the East na nagbigay sa Falcons na makahirit ng playoff.

Sasagupain ng Falcons ang Red Warriors sa Miyerkules para sa karapatang kumpletuhin ang Final Four cast.

Nauna nang nakapasok sa magic four ang reigning champion at No. 1 seed La Salle (12-2), last year runner-up at host University of the Philippines (11-3) at No. 3 Santo Tomas University (7-7)

Dikitan ang naging labanan sa unang period kung saan ay hawak ng Soaring Falcons ang one-point lead, 16-15 papasok ng second quarter.

Nagpakita ng tikas ang Blue Eagles sa kaagahan ng second period nang maagaw nila ang lamang, 23-20 pero hindi nagpabaya ang Soaring Falcons sumagot agad ng 10-0 run para mabawi ang bentahe, 23-30 may 4:12 minuto na lang sa first half.

Bumida sa Adamson si Royce Mantua sa kanyang tinapos na 14 points.

Read more on philstar.com
DMCA