Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cardinals-Blazers sa NCAA Finale | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na binigyan ng Cardinals ng pag-asa ang Pirates na makahirit ng ‘do--or-die’ game sa Final Four ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Sinibak ng Mapua University ang Lyceum of the Phi­lippines University, 89-79, para umabante sa ikalawang sunod na NCAA Finals kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang ikatlong finals appearance ng No. 1 Cardinals sa huling apat na NCAA seasons at hindi na nagamit ang bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 4 Pirates.

Nagpasabog si reigning MVP Clint Escamis ng career-high 33 points bukod sa 4 rebounds, 3 assists at 2 steals para banderahan ang Mapua.

Huling nahawakan ng Lyceum ang kalamangan sa 65-60 matapos ang three-point shot ni JL Bravo sa 2:27 minuto ng nasabing yugto.

Sa likod nina Escamis, Chris Hubilla at Cyrus Recto ay naghulog ang Mapua ng isang 16-4 bomba para iposte ang 10-point advantage, 79-69, sa 4:53 minuto ng fourth quarter.

Sa ikalawang laro, pinatalsik ng No. 2 College of St. Benilde ang No. 3 San Beda University, 79-63, papasok sa kanilang ikalawang finals stint.

Nagtuwang sina center Allen Liwag, Tony Inot at Jhomel Ancheta sa arangkada ng tropa ni coach Charles Tiu.

Lalabanan ng Blazers ang Cardinals sa best-of-three championship series.

Read more on philstar.com
DMCA