Food systems lalo na sa mga siyudad, kailangan patatagin! | Pilipino Star Ngayon
Habang patuloy ang pagtaas ng populasyon natin, mas kailangan natin ng makabagong solusyon para sa food system ng ating mga komunidad.
Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), nasa 51 milyong Pilipino ang apektado ng katamtaman hanggang malalang food insecurity -- isa sa mga pinakamataas sa buong Southeast Asia. Halos kalahati na ito ng buong populasyon natin na nahaharap sa peligro ng gutom at kakulangan sa sapat na nutrisyon.
Sa Urban Food Systems Policy Forum na naganap nitong nagdaang linggo sa Quezon City, nagsama-sama ang iba't ibang mga lider, eksperto, at advocates para tugunan ang isyung ito. Bilang moderator, nagkaroon ako ng oportunidad na mapakinggan ang kanilang dayalogo na naging patunay sa kahalagahan ng multi-sectoral partnerships, at mga makabagong polisiya at solusyon para sa kinabukasan ng ating urban food systems.
Ang bunga ng pagtutulungan ng QC LGU at ng CGIAR Resilient Cities Initiative -- na siyang tugon sa mga hamong kinahaharap ng ating urban food system -- ang ilan sa mga pangunahing tinalakay sa Urban Food Systems Policy Forum.
Sa siyudad o mga urban area napupunta ang malaking bahagi ng pagkain na inaani o ginagawa ng food producers. Pero kailangang palakasin pa ang mga makabagong polisiya ukol dito.
"Sa pamamagitan ng pagsusuri, hangad naming makakalap ng sapat na ebidensya para maging gabay ng ating gobyerno at food system actors sa pagbuo ng mas matibay at pinagyamang urban food systems," sabi ni CGIAR Resilient Cities Co-lead Silvia Alonso sa kanyang welcome message.
Sa forum ay binalikan natin ang ilan sa mga proyektong tulad ng Vendor Business School at community gardening initiatives na nagpapakita sa atin ng potensyal ng mga urban food ecosystems.
Ang Vendor Business School ay isang proyekto ng QC LGU at CGIAR para bigyan ng training ang food vendors -- na karamihan ay babae -- sa pamamagitan ng pagtuturo ng business practices, food safety, at iba pang training.
Mahalagang kilalanin natin ang papel ng ating food vendors sa food supply chain. Sila ang nasa dulo nito bago dumating sa ating mga konsumer. Isa sa mga hangarin ng Vendors Business School ang maprotektahan ang ating food vendors sa mga