Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Impeachment vs VP Sara pinauusad na | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patung-patong na problema ang kinakaharap ni Vice President Sara Duterte dahil matapos itong alisin ni Pangulong Marcos bilang miyembro ng National Security Council (NSC) kamakailan, ay maaaring maharap pa ito sa ikaapat na panibagong impeachment complaint sa Kongreso.

“Ilang miyembro ng mayorya sa Kongreso ang nagpahiwatig na maghahain ng ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise-Presidente,” ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.

Gayunman, tumanggi muna si Velasco na pangalanan ang mga nasabing mambabatas na planong maghain ng isa pang impeachment complaint laban kay VP Sara.

Dagdag pa ni Velasco, ang gusto ng ilang mambabatas ay umusad na ang mga nakahaing impeachment complaint ngunit mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang tutol dito.

“Actually ang gusto nga ng ilan umusad na kahit isa lang sa naunang tatlong impeachment complaint laban kay VP pero hindi ba ayaw na ni PBBM ito ituloy?,” wika ni Velasco.

Nag-ugat ang mga reklamo laban kay VP Sara dahil hindi nito maipaliwanag kung saan ginastos ang P125 milyong confidential funds nito noong taong 2023 at noong nakaraang linggo lamang naman, inalis na rin ni PBBM ang bise presidente bilang miyembro ng NSC.

Read more on philstar.com
DMCA