Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • balita.org

Kilos protesta sa impeachment ni VP Sara dinala sa EDSA | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang civil society sa EDSA People Power Monument  para ipa­nawagan sa Kongreso na ituloy ang  pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Ang pag-impeach kay Duterte ay kasunod ng  mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential at intelligence fund.

Nahaharap ang bise presidente sa tatlong reklamo ng impeachment, subalit  hindi pa natatalakay ng mga mambabatas kung saan pinangangambahang abutin ng adjournment ng Kamara dahil sa pagiging abala sa pangangampanya para sa 2025 Midterm Elections.

Suot ang puting  t-shirt, nag-rally sa EDSA Shrine ang nasa 4,000 raliyista na nagtutulak na mapatalsik si Duterte sa puwesto.

Nasa 2,000 pulis naman  ng  National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nakakalat sa lugar habang 1,000 pulis naman ang naka-standby para tiyakin ang maayos ang  kilos protesta.

Ilang mga estudyante rin ang nagkilos protesta sa Liwasang Bonifacio upang  isigaw hindi lamang ang impeachmet kundi ang  nangyayaring corruption at kahirapan sa bansa.

Una nang ipinanawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pagtigil sa impeachment sa dahilang hindi ito prayoridad ng kanyang  administrasyon.

Read more on philstar.com
DMCA