Lagman ‘inspiring model’ ng young solons | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Itinuring ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde ang namayapang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman bilang isang ‘inspiring model’ na handang makinig sa mga batang miyembro ng House of Representatives kagaya niya.
Bagama’t nasa kanyang unang termino ay nirespeto pa rin si Atayde ni Lagman bilang kasama sa Kongreso.
“I might be a newbie but you always smile when you see me. You are one of the few who inspires me to do better at what we do,” ani Atayde kay Lagman. “Much love Cong. Edcel (Lagman), much respect, we will miss seeing you.”
Sumakabilang buhay ang Albay Representative noong Huwebes sa edad na 82-anyos.
Ayon kay Atayde, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Lagman para pagsilbihan ang sambayanan.
Hindi rin mapapantayan ang kanyang track record sa Congress na magsisilbing inspirasyon ng mga batang legislators sa mga susunod na taon.
“Cong Edcel was always there for us, he was always there for his people. He may have already left us, but his legacy will always live and continuously inspire all of us,” wika ni Atayde.