Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Nabisto ng anak ang ama | Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay huwag mo nang banggitin ang totoo kong pangalan at ikubli mo na lang ako sa pseudonym na Karla.

Nag-iisa akong anak ng aking mga pa-rents na kinikilala bilang model parents sa aming komunidad.

Pareho ko silang mahal at mataas ang respeto ko lalo na sa aking ama na isang bank executive.

Pero naglaho ang respetong ito nang mabisto ko na may kabit siya at ako’y may kapatid sa labas.

Hindi ko ito ibinisto sa nanay ko pero lihim kong kinompronta si tatay.

Umiiyak ako.

Sabi niya bago pa ang nanay ko ay nagkarelasyon na siya sa babaeng ‘yon na nabuntis niya. Matanda ng isang taon ang kapatid ko sa labas kaysa sa akin.

Tiniyak niya na tapos na ang relasyon niya at tumutupad lang siya sa obligasyon niya sa kapatid ko.

Nakiusap siya sa akin na huwag ko nang sabihin ang natuklasan ko sa aking nanay.

Kapareho kong college student ang kapatid ko. Ano ang dapat kong gawin?

Karla

Dear Karla,

Para sa ikapapayapa ng inyong pamilya, mabuti nang hindi ito mabatid ng ina mo. Pero mahirap magtago ng sikreto.

Baka dumating din ang araw na malaman ito ng nanay mo.

Tutal nangyari na ito bago pa sila magkakilala ng ama mo at tapos na ang relasyon, mas mabuting habang maaga ay tatay mo na ang magtapat.

Masaktan man ang nanay mo, palagay ko ay kaya niyang magpatawad dahil nanatili namang tapat ang tatay mo nang sila ay ikasal.

Huwag kang mawalan ng respeto sa tatay mo. Walang taong perpekto at bumawi naman siya sa pamamagitan ng pagiging responsable sa kanyang pamilya.

Dr. Love

Read more on philstar.com
DMCA