Press Release - Explanation of No vote of Senator Risa Hontiveros on Enhanced Mining Fiscal Regime for Large Scale Metallic Mining Act
Good sponsor, Mr. President. Nagpapasalamat ako na tinanggap ang panukala kong pagbabago sa Section 14. Transparency and Accountability. Malaking bagay kung maisasabatas ito sa kabila ng makailang ulit na kabiguan magkaroon ng Freedom of Information Law sa ating bansa. Nagpapasalamat din ako na kasama sa mga datos na isasapubliko ang mga magiging epekto ng pagmimina sa ating mga natural capital na itinatakda ng RA 11995 o PENCAS law.
Gayunpaman, ikinalulungkot ko na hindi naisama ang dalawa sa tatlo kong panukala.
Una, ang pagdagdag sa royalty na nauukol sa mga katutubo kapalit ng pahintulot nila na magmina sa lupang ninuno o ancestral domain. Tinatayang P790 milyon ang royalty natanggap ng mga katutubo noong 2023. Isang porsyento lamang ito sa halaga ng mineral na nilalabas sa kanilang mga ancestral domain. Maliit na halaga na, nababawasan pa dahil binubuwisan ng gobyerno ng income tax.
Upang ipagpatuloy ang labang ito, hiniling ko kay Senator Robinhood Padilla na gawin akong co-sponsor ng kanyang panukalang batas na naglalayong itaas ang natatanggap ng mga katutubo bilang royalties mula sa mga proyekto sa loob ng mga lupang ninuno . Nagpapasalamat ako kay Senador Padilla sa kanyang pagpapaunlak.
Pangalawa, ang panukalang export tax. Tinutulak ko ito hindi lamang sa karagdagang buwis subalit dahil sa kinakailangang pananalapi upang mapondohan ang isang National Industrialization Program na aking isinusulong sa Alternative Minerals Management Bill. Totoong meron nakukuhang royalty ang Mines and Geosciences Bureau ngunit ito'y limitado lamang sa mga mineral reservations. Malaking bahagi nito'y masasabing reimbursement o bayad lamang para sa nagastos na ng pamahalaan sa pagtuklas ng mga mineral.
Mawalang-galang lang po, Mr. President, sa aking pananaw, mas makabubuti ang isang export tax kaysa sa isang export ban na kahawig sa Indonesia. Nangangamba ako na maeenganyo ang mga kumpanya na palawakin at paigtingin pa ang pagmimina at pag-eexport upang mabawi ang kanilang puhunan bago mapataw ang ban. Mangyayari ito nang walang dagdag na pakinabang sa pamahalaan at bayan, at higit pa rito, magbubunga sa mas mabilis na pagkasira ng ating kalikasan.
Dahil sa export ban