Press Release - IMEE: Tuloy ang Suporta para sa Young Creatives!
Inilunsad ni Senadora Imee R. Marcos ang ikalawang yugto ng kanyang programang Young Creatives Challenge (YC2) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) noong Huwebes, Setyembre 26.
"Mas pinalaki at mas pinabongga ang YC2 S2 kasi kasama na ngayon ang elementary at high school. Isang milyon pa rin ang grand prize!", sabi ni Sen. Imee.
Suportado ng senadora ang malikhaing programang ito na unang binuksan para lamang sa mga edad 18 hanggang 35.
"Malaki talaga ang potensyal ng creative industries natin. P1.72 trilyon - ganon kalaki noong 2023", idiniin ng senadora.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang creative industries ay nakapag-ambag ng P1.72 trilyon sa total Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong nakaraang taon.
"Likas na malikhain ang Pinoy, pausbungin natin!"
Ang YC2 ay may pitong (7) kategorya na pwedeng salihan: songwriting, screenwriting, playwriting, graphic novels, animation, game development, at online content creation.
Ang bagong dagdag na Elementary at High School Edition ay mayroon namang songwriting, short story writing, graphic novel making, at online content creation.
"Walang himala!" Iyan ang sigaw ni Nora Aunor sa pelikula ko noong 1980s. Pero ang totoo, may himala sa creative industries na aalingawngaw saan man sa mundo, salamat sa natatanging talento ng Pilipino.