Press Release - Lapid, nananatili sa magic 12 sa senatorial survey
PATULOY sa pamamayagpag si Supremo Senador Lito Lapid sa pre-election Senatorial Preferential survey ng Tangere app sa buong bansa.
Sa nasabing survey, umabot sa 2,400 na kwalipikadong respondents ang tinanong noong November 6 hanggang November 9, 2024 kung sino ang kanilang iboboto kung ngayon gagawin ang eleksyon.
Ikinasa ang Tangere survey sa pamamagitan ng mobile application at stratified random sampling.
Nananatili si Sen. Lapid sa number 10 spot kung saan nakakuha sya ng 32 percent.
Sinabi ni Lapid na taus-puso syang nagpapasalamat sa mga kababayan nating patuloy ang pagtitiwala at pagmamahal sa kanya.
"Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagmamahal. Hangad ko po na maipagpatuloy ang mga nasimulan na nyang mga programa para sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, paglikha ng mga trabaho at pagtulong sa mga mahihirap. Ramdam ko po ang inyong kalagayan," diin ni Lapid na gumaganap na Supremo sa FPJ's Batang Quiapo.