Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Live interview with Senate President Francis "Chiz" Escudero DWIZ Usapang Senado with Cely Bueno

BUENO: itong nalalapit na filing ng certificate of candidacy, ramdam na ho natin na umiinit na itong usapnag pang politiko dito sa ating bansa. Nag adjourn na ang session ng Congress, maaga nag adjourn so, mabuti ho isama na natin sa ating talakayan agad ang pinakalider ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso para doon sa kanilang mga naging accomplishment and then analysis sa ilang mga issue at mga development dito sa ating bansa; atin hong tinutukoy, Senate President Chiz Escudero na makakapanayam ho natin via Zoom. Magandang hapon po Senate President Escudero!

ESCUDERO: Cely, magandang hapon sayo at sa ating mga tagasubaybay magandang hapon din po. Hanggang 2:30 tayo, Cely?

BUENO: Yes, sir hanggang 2:30. Talagang inunahan niyo na ako, anyway, sir, maaga ngayon nag adjourn ang session ng Kongreso dahil nga dito sa filing ng certificate of candidacy, satisfied ka po bas a naging accomplishment ng Senate under your leadership bago kayo mag adjourn?

ESCUDERO: Well, ang naging accomplishment ng Senado, oo pero Cely hindi ko sasabihing under my leadership dahil 'yan sa trabahong binigay, binuhos at ginuguol ng lahat ng miyembro ng Senado. Ang sagot ko'y oo dahil sa loob ng mahigit kumulang isang daang araw mula noong naging taga-Pangulo ng Senado ang naipasa namin sa batas ay anim na at ang nasa Palasyo para i-schedule ang pag pirma ng Pangulo ay nasa pito, ang iba'y nasa preparasyon na sa Bicameral Conference Committee level, dalawa 'yon. At ang ilan ay nasa Plenaryo na ng Senado.

BUENO: At kahit sir, magiging abala na 'yong ilan niyong mga kasamahan na Senador sa pagsusulong ng kanilang kandidatura bilang mga reelectionist senators, are you confident na hindi 'yon naman maapektuhan ang trabaho ng Senado?

ESCUDERO: oo, Cely dahil ngayon higit kelan pa man, ayaw naman nila sigurong mapulaan na hindi nila ginagampanan ang kanilang trabaho nila at inuuna ang pangangampanya. Buo ang tiwala ko at paniniwala na patuloy na gagampanan ng pitong reelectionist na Senador ang kanilang tungkulin sa Senado sa nahuhuling 39 o 40 na araw namin hanggang matapos ang 19th na Kongreso.

BUENO: At sir 'yong 7 na reelectionsit senators, meron ba kayong mga susuportahan, iendorso o lahat

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA