Press Release - TOL, umapela ng suporta para sa mga magsasaka matapos ang malaking kawalan sa produksyon ng palay dulot ng mga bagyo
Naniniwala si Senate Majority Leader Francis 'TOL' Tolentino na kailangang gumawa ng mga kagyat na hakbang ang gobyerno para tulungan ang mga magsasaka ng palay, matapos salantain ng sunud-sunod na bagyo ang maraming palay-producing provinces ng bansa.
Sa kanyang regular na programang 'Usapang TOL,' inilahad ni Tolentino na umabot sa P786 million ang tinamong pinsala ng agrikultura dulot ng mga nagdaang bagyo, mula kay Kristine hanggang kay Pepito. Mula rito, 53 porsyento, o P414 milyon ng kawalan ay tinamo ng sektor ng palay.
"Apektado rito ang 32,000 ektarya ng mga palayan, at 19,000 metric tons ng nasalantang produksyon," ani Tolentino. Ipinunto nya na ang kritikal na kawalan sa produksyon ng palay ay lubhang makakaapekto sa suplay at presyo ng bigas, at may malaking implikasyon sa seguridad sa pagkain ng bansa sa susunod na taon.
Samantala, sinabi ni Rosendo So, pinuno ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), at kinapanayam sa programa ng senador, na mas malaki pa ang aktuwal na mawawala sa produksyon ng palay, dahil marami sa mga nasalantang kabukiran ay nagpapalaki pa lamang ng kanilang mga pananim.
Sabay nito ay nanawagan si So para muling itaas ng pamahalaan ang taripa sa bigas para makalikom ng mas malaking subsidiya sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Magugunita na ibinagsak ang rice tariffs mula 35% hanggang 15% mula Hunyo hanggang taong 2028 bunsod ng Executive Order (EO) No.62, para umano makontrol ang inflation.
Ngunit taliwas ang iniulat ni So, na nagsabing hindi naibaba ng tariff cut ang mga presyo ng bigas sa merkado. Indikasyon umano ito na rice traders lang ang totoong nakinabang sa pagbabayad ng mas mahabang taripa sa kanilang inangkat na tone-toneladang bigas.
Pinuno rin ni So na dapat pabilisin ang programang irigasyon para mapatubigan ang mas maraming mga palayan na kakaraga sa bulto ng ani ng bansa habang maganda ang panahon bago pa man dumating ang mga bagyo, at ang inaaasahang La Niña phenomenon.
"Base sa ulat ng Sinag at mga opisyal na datos, lumalabas talaga na kailangan ng mga kagyat na aksyon para matulungan ang ating mga magsasaka ng palay, habang inaalala rin ang kapakanan ng mga