Press Release - Transcript of interview: Senator Risa Hontiveros with Ted Failon and DJ Chacha on True FM
Q: Ano nga po ba ang pangunahing layunin ng SB 1979? At bakit po mahalaga na maipasa ito sa Kongreso?
Senator Risa Hontiveros (SRH): Ang pangunahing layunin po nitong Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ay maturuan, masuportahan, at maprotektahan natin ang ating mga anak, ang ating mga estudyante laban sa maagang pagbubuntis.
Layunin din po ng Comprehensive Sexuality Education sa bill na kung sa kabila nung lahat ng ating preventive measures ay maaga parin silang mabuntis, at least mag-provide ng social protection sa kanila, para makabalik at makapagtapos sa pag-aaral, maturuan at masuportahan silang alagaan yung kanilang mga babies at mapigilan ang repeat teenage pregnancy.
At ito pong dalawa o lahat ay mahalaga dahil 2019 pa lang sinasabi na ng National Economic and Development Authority o NEDA na national and social emergency na ang teenage pregnancy. Lalo pong tumindi ang trends nito mula nung pandemic sa maraming iba't ibang rehiyon ng ating bansa and especially at risk yung, can you believe it, 10 to 14 year olds natin, bukod pa po sa 15-19 year olds. Mula po kasi nung mga taong iyon, tumaas ang incidence ng teenage pregnancy by 10% at kung sa ages 15-19 tumaas ang teenage pregnancy sa kanila ng mga 9 point something percent, worse pa po sa ages 10 to 14, tumaas by 35%, so hindi talaga umaampat, bagkus ay lalong tumitindi, tumataas lalo na dun sa youngest cohort natin ng mga teens at alam natin kung ano yung masamang epekto ng maagang pagbubuntis sa ating mga bata.
Q: Kausap nga po namin nitong nakaraan ang chairperson ng Teachers Dignity Coalition na sinasabi niya na naituturo naman po ito, yun nga lang nakapaloob siya sa subjects ng mga bata. So because of the CSE, ginawa niyo po ito dahil nakikita niyo na hindi po na nagwowork ang kasalukuyang sex education na meron na ngayon sa subjects ng mga bata na naituturo?
SRH: Hindi naman po. Actually, ito nga pong CSE na isang probisyon, preventive provision dito sa Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ay pagpapatuloy lamang dun sa CSE na nandun narin sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law na ipinasa po natin nung 2013 at deemed Constitutional ng Korte Suprema nung 2014. And yun na nga po,