Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Quiambao, Cagulangan nasa South Korea na | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa South Korea na sina UAAP standouts Kevin Quiambao at JD Cagulangan para makasama ang kani-kanyang teams sa Korean Basketball League (KBL).

Matapos makuha ang kani-kanyang visa, unang umalis si Quiambao noong Miyerkules ng gabi habang tumulak naman pa-Korea si Cagulangan kahapon.

Agad na sasalang sa ensayo sina Quiambao kasama ang kanilang mga teams.

Maglalaro si Quiambao para sa Goyang Sono habang lalaro naman para sa Suwon KT si Cagulangan.

Sabik na ang dalawa na maipamalas ang kanilang husay sa KBL.

Unang masisilayan sa aksyon si Quiambao kasama ang Skygunners laban sa Busan KCC Egis sa Sabado.

Sa parehong araw, maglalaro rin si Cagulangan kasama ang Sonicboom kontra sa Seoul Samsung Thunder.

Si Quiambao ang ikatlong Pinoy na naging import ng Skygunners. Una nang naging imports sina Alex Cabagnot at Joshua Torralba.

Read more on philstar.com
DMCA