Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Strong Group Athletics swak sa semis ng Dubai Cup | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Nagmartsa sa semis ang Strong Group Athle­tics matapos pulbusin ang Shar­jah Sports Club, 100-63, kahapon sa 34th Dubai International Basketball Championship sa United Arab Emirates.

Tuloy ang matikas na ratsada ng SGA na naiko­nekta ang ika-limang sunod na panalo upang mapanatili ang imakuladang karta nito sapul noong eliminasyon.

Makakasagupa ng SGA sa semis ang Tunisia nga­yong araw.

Hindi maganda ang si­mula ng Pinoy squad kung saan nalugmok agad ito sa anim na puntos na pagka­kabaon sa first quarter.

Ngunit mabilis na ru­mesponde sina NBA vete­rans DeMarcus Cousins at Malachi Richardson nang ilatag nito ang solidong opensa para kunin ng SGA ang 31-16 kalamangan sa pagtatapos ng first quarter.

Mas lalo pang nag-init ang SGA sa mga sumunod na sandali kung saan napa­lobo pa nito ang bentahe sa 37 puntos upang tuluyang pul­busin ang Sharjah.

Bida si Cousins na may double-double na 21 points at 10 boards, habang nag­lista si dating PBA import Chris McCullough ng 20 markers.

Nakakuha rin ng soli­dong suporta ang mga im­ports sa mga local players matapos magtala sina Dave Ildefonso at Mikey Williams ng tig-11 points.

Nanguna naman para sa Sharjah si Nicholas West na may naitalang 19 points kasunod ang 18 markers ni Dequan Jones.

Read more on philstar.com
DMCA