UE, Adamson bakbakan sa huling semis slot | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Nakatakdang magkaldagan ang Adamson University at University of the East sa knockout game para sa final four cast ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos magtala ng parehong 6-8 karta pagkatapos ng 18-game elimination round, maghaharap ang Soaring Falcons at Red Warriors sa alas-6:30 ng gabi para makumpleto ang teams sa semifinals.
Panigurado na sa magic four ang defending champions De La Salle University na nasa tuktok ng team standings tangan ang 12-2 karta, University of the Philippines na nasa pangalawa hawak ang 11-3 baraha at University of Sto. Tomas na naka-puwesto sa third spot, (7-7)
Parehong huling tsansa ng dalawang koponan sa asam na drumibol ng bola sa semis kung saan kaka-pitan ng Soaring Falcons ang kanilang momentum.
Kinaldag ng San Marcelino-based squad ang Ateneo de Manila University, 69-65 noong Sabado kung saan sina Royce Mantua at Manu Anabo ang kanilang sinandalan sa opensa.
Haharapin ng mananalo sa pagitan ng Adamson U at UE ang top seeded La Salle habang maglalaban sa isang pares ng semis ang University of the Phi-lippines at University of Sto. Tomas.