UP, La Salle tatapusin agad ang semis | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Pakay ng last year’s runner-up University of the Philippines na tapusin na agad ang University of Sto. Tomas ngayong araw upang makausad na sa finals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum.
Swak sa semifinals ang Fighting Maroons matapos puwestuhan ang No. 2 seed pagkatapos ng 18-game elimination round, haharapin nila ang ranked No. 3 Growling Tigers sa alas-3:30 ng hapon.
May bentaheng twice-to-beat ang UP kaya malaki ang tsansa nila sa asam na lumaro sa championship round dahil dalawang beses silang kailangan talunin ng UST.
Huhugot ng puwersa ang Fighting Maroons kina JD Cagulangan at Aldous Torculas upang pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo.
Samantala, magtitipan sa alas-6:30 ng gabi ang defending champion De La Salle University at Adamson University.
Tulad ng UP, nabiyayaan din ang La Salle ng twice-to-beat bonus matapos hawakan ang top seeding sa semifinals.
Ihaharap ng DLSU ang pambato nilang si reig-ning two-time MVP Kevin Quiambao sa Adamson.
Ipaparada naman ng Adamson sina Cedrick Manzano, Manu Anabo, Matty Erolon, at AJ Fransman para ipantapat sa matinding armas ng DLSU na si Quiambao.