Kahanga-hangang tagumpay | Pilipino Star Ngayon
MATAPOS pagdaanan ang mga hirap, hamon at intriga ng mga nakaraang taon, nagtagumpay na si Carlos Yulo, hindi lang isang beses kundi dalawa. Agad siyang lumikha ng kasaysayan na hindi makakalimutan sa mga darating na taon. Dalawang gintong medalya ang nakamit ni Yulo sa 2024 Paris Olympics. Kahanga-hangang tagumpay.