Sy hinikayat ang mga Pinay na lumahok sa combat sports | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Hinikayat ni six-time World Sambo Championship bronze medalist Sydney Sy-Tancontian ang kababaihang Pinay na huwag mahiya anuman ang katauhan at gamitin ang sports partikular ang combat sports hindi lamang bilang kompetitibong larangan bagkus isang paraan upang mapanatili ang kalusugan at magkaroon ng self-defense.