Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

74% ng Pinoy no. 1 pinoproblema pagkontrol sa inflation — Pulse Asia | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangungunang "urgent national concern" pa rin para sa mga Pilipino ang pagkontrol sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin — bagay na consistent simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Ito ang ibinahagi ng Pulse Asia sa media ngayong Miyerkules halos isang buwan matapos iulat ang pagsipa ng inflation rate sa bansa patungong 5.3% nitong Agosto.

"Inflation continues to be the leading urgent national concern among Filipinos; public sentiment on the matter is virtually unchanged between June 2023 and September 2023 as well as year-on-year," sabi ng survey firm.

"A big majority of the country’s adult population (74%) expresses concern about the need to control the rising prices of basic commodities."

Narito ang pagkakasunod ng mga nabanggit:

Maliban sa doube-digit increase sa antas ng pagkabahala mataas na presyo ng bilihin (+11 percentage points) mula Hunyo hanggang Setyembre 2023, halos hindi nagbago ang opinyong publiko pagdating sa mga pambansang isyu noong panahong ito.

"Majority levels of concern about controlling inflation are posted in every geographic area and socio-economic class (66% to 80% and 67% to 75%, respectively)," ayon sa Pulse Asia.

"Meanwhile, most of those in the rest of Luzon (51%), the Visayas (55%), and Class D (52%) are concerned about increasing the pay of workers. No other national concerns are deemed urgent by majorities across areas and classes."

Sa 14 isyung sinuri noong Setyembre, lumalabas na walo rito ang nagpakita ng majority approval ratings. 

Nangyari ang mga signipikanteng mga pagbabago sa performance ratings ng administrasyong Marcos mula Hunyo 2023 hanggang Setyembte 2023 at Setyembre 2022 hanggang 2023.

Kabilang na rito ang sumusunod:

Bigo naman si Marcos Jr. na makakuha ng majority approval ratings sa mga isyu gaya ng pagtugon sa kahirapan (46%), paglikha ng dagdag trabaho (43%), paglaban sa katiwalian (45%), pagtataas ng sahod (49%), pagsugpo sa kahirapan (29%), pagkontrol sa inflation (16%).

Kasalukuyang nagpapatupad ang gobyerno ng price cap sa presyo ng bigas buhat ng biglaang pagtataas nito, habang namamahagi naman ng fuel subsidy ang gobyerno dahil sa sunud-sunod na linggo

Read more on philstar.com
DMCA