Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Abot-kamay na nga ba ang internasyonal na edukasyon? | Pilipino Star Ngayon

Pagdating sa pagiging magulang, may kani-kanya tayong mga estilo at pamamaraan. Sa kabila ng maraming mga pagkakaiba, may nag-iisang hangarin tayo pagdating sa ating mga anak: ang magtagumpay sila. Gusto nating makita na mas malayo ang marating nila kumpara sa atin.

Edukasyon ang isa sa mga pinakamahalagang pundasyon ng kinabukasang pinapangarap natin para sa ating mga anak. Marahil ito ang dahilan kung bakit kapansin-pansin na mas maraming magulang ang pumipili sa international education, o pag-aaral sa ibang bansa --- para magtagumpay ang kanilang anak.

Sa kabila nito, ang international education ay maraming kaakibat na hamon, pinansyal at logistical, na humahadlang sa mga pamilyang maibigay ito sa kanilang mga anak. Gayunpaman, mayroon pa ring mga institusyon na patuloy na inilalapit ang oportunidad na ito sa mas maraming pamilya. 

Isa na rito ang Thames International. Mula sa pagkakatatag nito noong 1999, ang Thames ngayon ay isa na sa mga nangungunang institusyon sa sektor ng international schools sa ating bansa. 

Bilang isang advocate para sa de kalidad na edukasyon, bilib ako sa kakayahan ng Thames. Pero hindi na rin nakapagtataka kung bakit isa ito sa mga pangunahing paaralan sa Pilipinas.  Magaling kasi ang liderato nito. Kasama na rito ang kanilang co-founder at president, at malapit kong kaibigan na si Joel Santos. Dahil sa kanyang angking galing, maraming beses na siyang naging katuwang ng gobyerno sa larangan ng edukasyon.  Nitong Abril, itinalaga siyang Country Chair ng UNESCO Entrepreneurs Educators Network (EE-Net) Philippine Chapter. Ang Thames ang country secretariat ng UNESCO EE-Net. 

Sabi ni Joel, ang kanilang misyon ay “matulungan ang mas maraming Pilipino na makapag-aral abroad at matamasa ang mga benepisyo nito — at matulungan ang mga mag-aaral nating maging mga lider sa 21st century environment.”

Kabilang sa mga natatanging graduate ng Thames sina PJ Castro, co-founder ng JustPayTo na isang Fintech company, si Blake Go, ang CEO ng Prince Warehouse club sa Cebu, Shaina Darmawan, Country Division Head for Consumer Health ng Byaer, at si Mikko Vergara, Head of Equities and Global Funds ng Sun Life Investment Management and Trust Company.

Hig

Read more on philstar.com