Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Alab ng MPBL | Pang-Masa

Papasimula ang PBA Season 48, papatapos naman ang current MPBL season na masugid na tinatangkilik ng mga regional basketball fans.

Apaw ang mga playing venues ng MPBL, lalo na ang mga probinsiya na todo ang suporta sa kanilang mga teams.

Kasama dito ang Pampanga at Nueva Ecija — dalawang koponan na naunang umusad sa conference semifinals ng home-and-away regional league na itinatag ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at pinamumunuan ni Kenneth Duremdes bilang Commissioner.

Kagabi, asam ng Batangas at GenSan na makapasok na rin sa conference semifinals. Target nilang walisin ang Imus at Muntinlupa sa kanilang respective best-of-three quarters playoffs.

Ang iba pang nasa karera para sa ultimate prize eh, ang Caloocan, Pasig, San Juan at Makati sa ­Northern Conference at Iloilo, Bacoor, Zamboanga at Quezon sa South.

Bilang reigning national champions, determinado ang Nueva Ecija Rice Vanguards na mapanatili ang kanilang pamamayagpag sa liga.

Pero alam nila na mabigat ang kanilang pagdadaanan lalo na at nandiyan ang stacked Pampanga team ni Gov. Dennis Pineda (team coach) sa kanilang conference pa lamang.

Sa South, maalab din ang kagustuhan ng Zamboanga na muling maghari at marating ang nationals finals.

Pero mahaba pa ang karera, marami pang laban ang magpapasaya sa mga cage fans sa probinsiya.

Read more on philstar.com
DMCA