Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Alden, tinalon si Kathryn! | Pilipino Star Ngayon

Nag-trending ang video ng Kapuso actor na si Alden Richards kung saan tinalon niya ang escalator para lang makatabi si Kathryn Bernardo.

Makikita sa video kung saan nasa isang mall show sila habang kumakanta si Kathryn ay tila tinatantya muna ng aktor ang taas ng escalator, at mga ilang segundo ay binulsa ang mic at tinalon na nga niya ito.

Gulat na gulat naman ang Kapamilya actress sa ginawa niya na tinawanan na lamang nila.

Kinaaliwan naman ng fans ang ginawa ni Alden at kinilig sila nang makita nila na pasimple niyang inabutan ng tissue si Kathryn na tagaktak na ang pawis.

Aliw rin ang sinabi ng netizen na hindi nagkamali ang isang endorsement ni Alden na may tagline na “we find ways” dahil gumawa raw talaga ito ng paraan para magkatabi sila at mabigyan ng tissue si Kathryn.

May iba namang nag-alala at sinabing mabuti na lamang at matangkad ito at hindi sumabit at na-out of balance sa escalator.

Kaya sey naman ng ibang tagahanga nila ay aabangan nila ang gagawin ni Kathryn sa birthday ni Alden at kung ano ang gagawin nito para sa aktor. Bongga.

Ewan ko ba pero inggit talaga ako sa family bonding nila Pat-P Daza at kasama ang mommy niya na si Jullie Yap Daza.

Ang sweet ‘di ba na buong pamilya ninyo together sa pagtra-travel. ‘Yung bonding na iyon very precious moments talaga.

Talagang kailangan ang ganyang moments sa isang pamilya. At kahit pa nga ‘yung mga babae sa dilim na itinatago ng mga may asawang lalaki dapat ding makaranas nito dahil unfair naman na nasa dilim na sila pati ba naman precious moments na ganito hindi pa rin sila patitikimin? Unfair ‘di ba?

Kaya nga sa ganitong pagkakataon dapat lang bigyan natin sila ng karapatan.

Ay naku talagang baka saan na naman mapunta ang topic ng kolum ko kaya dapat hintuan ko na, hah hah, bongga.

Read more on philstar.com
DMCA