Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Caloy may payo sa kapatid | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Paris Olympics double gold me­dalist Carlos Edriel Yulo na malaki ang potensiyal ng kanyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo.

Alam ni Caloy ang ka­­pa­sidad ng kanyang kapatid na kayang-ka­yang maging kampeon sa Southeast Asian Games, Asian Games at Olympic Games balang araw.

Kaya naman may ilang payo ito upang maabot ang minimithing tagumpay at todo suporta ito sa kanyang kapatid.

“Malaki din po ang potential ng kapatid ko na manalo din po, nakasuporta po ako sa kanila,” ani Caloy.

Hindi pa makakapag­laro si Karl Eldrew sa SEA Games sa 2025 sa Bangkok, Thailand dahil sa age limit.

Nasa 16-anyos pa lamang ito habang 18-anyos ang age requirement para makapagpartisipa sa SEA Games.

Nais ni Caloy na ipagpatuloy ng kanyang kapatid ang pagsisikap nito sa training.

“Tuluy-tuloy lang po (sa training), alam ko pong may pangarap din po sya sa buhay,” dagdag ni Caloy.

Marami nang pinagdaanan si Caloy na pagsubok na posibleng masagupa rin ni Karl Eldrew.

Kaya’t pinayuhan nito ang nakababatang kapatid na maging matatag sa bawat pagsubok.

“Madidiscover niya ang mga bagay-bagay sa trai­ning kasi po napakahirap mag-prepare and yung proseso talagang it takes time gaya po ng pinagdaanan ko,” sabi pa ni Caloy.

Target ni Gymnastics Association of the Phi­lippines (GAP) president Cynthia Carrion na hasain pa sina Karl Eldrew at Eliza Yulo upang magkasama sama ang Yulo siblings sa isang tournament.

Read more on philstar.com