Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cignal swak sa semis | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalampasan ng No. 2 Cignal HD ang paghataw ng bagong scoring record ni Russian import Marina Tushova para sa No. 7 Capital1 Solar Energy matapos itakas ang 25-19, 36-34, 16-25, 22-25, 15-12 panalo patungo sa semifinals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Umiskor si Venezuelan import MJ Perez ng 34 points mula sa 33 attacks at isang block para sa pagmartsa ng HD Spi­kers sa semis katapat ang magwawagi sa knockout quarterfinal match ng No. 3 Creamline at No. 6 Petro Gazz sa Martes.

“This is not our main target. Our main target is to get into the finals,” sabi ni Perez.

Nabalewala ang ba­gong PVL scoring mark na 50 points ni Tushova buhat sa 47 attacks, dalawang blocks at isang ace sa panig ng Solar Spikers.

“Ang hirap niya tala­gang kalaban sa totoo lang,” ani Cignal coach Shaq Delos Santos kay Tushova na nauna nang nagposte ng PVL record na 49 points laban sa Nxled. “Hindi siya madaling kalaban. Kahit na anong gawin naming effort, talagang pupuntos at pupuntos siya”.

Nagtala si Riri Meneses ng personal high 21 mar­kers mula sa 13 attacks, pitong blocks at isang service ace habang may 16 points si Ces Molina.

Rumesbak ang Capital1 para makatabla sa 2-2 matapos maiwanan sa 0-2 papunta sa fifth set.

Huling nagbanta ang Solar Spikers sa 12-13 kasunod ang hataw ni Perez para sa 14-12 kalamangan ng HD Spikers kasunod ang depensa ni Jacquie Acuna kay Tushova .

Read more on philstar.com