Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Claudine Barretto inalala ika-22 taon ng pagkamatay ni Rico Yan | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nakalimutan ng aktres na si Claudine Barretto na sariwain ang ala-ala ng dating nobyo't ka-love team na si Rico Yan, na siyang namatay pumanaw eksaktong 22 taon na ang nakararaan.

"March 29 My heart stopped ???????????? #alwaysandforever," wika ni Claudine sa isang Instagram post nitong Huwebes gamit ang video na gawa ng account na rycb.memories.

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Matatandaang namatay si Rico Yan noong ika-29 ng Marso 2022 dahil diumano sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Palawan.

Makikita sa video na pinaskil ni Claudine ang isang panayam ng mamamahayag na si Karen Davilla habang tinatanong kung bakit pinipili ng naunang bumisita sa puntod ng ex-boyfriend taun-taon.

"Because he is a big part of my life. So isa lang ang ipinakiusap ko talaga sa mga fans namain ni Rico na 'wag kalimutan siya," sabi ng aktres.

"Kasi you know Karen, I realized, you know, in your life, sabi nila you just have one great love. Right? Parang ganyan."

Nagpapasalamat naman ang aktres na marami pa rin sa kanilang fans ang hindi nakalilimot sa aktor hanggang sa ngayon.

Makikita rin sa video ang isang clip kung saan sinasabi ni Rico ang sumusunod na kataga: "Siya [Claudine] 'yung pader na sinasandalan ko."

Naging isa sa pinakatanyag na tambalan noong dekada '90 at 2000s ang samahan nina Rico at Claudine, gaya na lang sa mga teleseryeng gaya ng "Mula sa Puso," "Saan Ka Man Naroroon" at pelikulang "Got 2 Believe."

Taong 2023 lang nang banatan ni Sita, ina ni Rico Yan, ang mga personalidad na patuloy na gumagamit sa pangalan ng kanyang anak sa ngalan ng kasikatan.

Matatandaang sinabi ito ni Sita matapos ibulgar ng '90s sexy star na si Sabrina M na nagkaroon siya ng dalawang taong relasyon sa dating Kapamilya actor.

Read more on philstar.com