Creamline, Akari giyera sa finals | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Ipinakita ng mga Cool Smashers ang puso ng isang eight-time champions.
Tinakasan ng Creamline ang Cignal HD, 20-25, 26-28, 25-18, 27-25, 15- 13, sa kanilang knockout semifinal match ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe_rence sa harap ng 11, 438 fans kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Ito ang ika-12 finals appearance ng Cool Smashers target ang pangsiyam na korona.
Lalabanan ng Creamline ang Akari, pinatalsik ang PLDT, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, sa ‘winner_take-all’ title match bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Pumalo si American import Erica Staunton ng 38 points mula sa 36 at_tacks, isang block at isang ace sa pagpasok ng Cool Smashers sa PVL finals nang wala sina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza.
“Amazing, I’m so ex_cited, I’m so lucky to be a part of this team.
I love them so much,” ani Staunton.
Nagdagdag si Bernadeth Pons ng 28 markers at may 10 points si Michele Gumabao na siyang bumida sa fifth set.
Sa unang laro, dumiretso ang Chargers sa kanilang ika-10 sunod na ratsada matapos talunin ang High Speed Hitters sa unang pagkakataon sa anim nilang pagtutuos.
Humampas si American import Oly Okaro na humataw ng 39 points mula sa 35 attacks at apat na blocks para sa kaunaunahang finals appearance ng Akari simula nang sumali sa PVL noong 2022.
“I think we did well, and also PLDT did well more than what we expected.
That’s why we had a hard time,” sabi ni Chargers Japanese coach Taka Moniwa na nakahugot kay Ivy Lacsina ng 19 markers.
Pinamunuan ni Russian import Lena Samoilenko ang High Speed Hitters sa kanyang 30 points habang may 16 markers si Erika Santos.