Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

DARPO Isabela nakatanggap ng parangal mula sa President 8888 CCC

Nakatanggap ng Sertipiko ng Pagpupugay sina Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Eunomio Jr. P. Israel, Chief Legal Atty. Kingston V. Abogado, at Agrarian Reform Program Technologist Leah Richie D. Afalla bilang pagkilala sa kanilang malugod at masigasig na paglilingkod upang makamit ng DAR ang papuri mula sa office of the President 8888 Citizen's Complaint Center sa pagtugon sa isang daang porsyentong (100%) tagumpay sa pagbibigay ng aksyon at kasagutan sa mga tanong at reklamo ng publiko sa tamang oras mula ika-1 ng Enero 2021 hanggang sa ika-30 ng Abril 2022.

“My dear colleagues, patuloy tayong magbibigay ng kalidad na serbisyo sa ating mga agrarian reform beneficiaries at magtatrabaho ng mahusay upang masolusyonan ang pangangailangan ng publiko”, ani PARPO Israel.

Ang President 8888 Citizen’s Complaint Center ay ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang tugunan ang mahina, mabagal at masalimuot na pagtugon, pagproseso at pagbigay serbisyo sa taumbayan. Ito rin ay ipinatupad upang matuligsa at masugpo ang mga maling gawain ng mga manggagawa ng gobyerno.

“Ngayon, I will be establishing 8888, dedicated only to corruption. Kapag may marinig ako sa Executive Department, even just a whisper, hiwalay-hiwalay na tayo”, ayon kay President Duterte.

Read more on dar.gov.ph