Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Digong kinasuhan ng grave threat! | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ni ACT-Teachers party-list Rep. France Castro ng kasong grave threat si dating ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ang kaniyang mga abugado, nagtungo si Castro sa Quezon City Prosecutor’s Office upang ihain ang reklamo.

“I filed a criminal complaint against former President Rodrigo Duterte to make him liable amid the serious threat against me during his program on October 11. He has no immunity (from suit). He should face the case filed against him,” sabi ni Castro.

Nakasaad sa reklamo, na habang nasa burol siya ng kaniyang ama noong Oktubre 11 ay napanood nito ang episode ng ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ ng SMNI network na may titulong ‘FPRRD ibinulgar ang plano ni VP Sara sa confidential fund’.

“Pero ang una mong target d’yan [sa] intelligence fund mo, kayo, ikaw France, kayong mga Komunista ang gusto kong patayin. Sabihin mo na sa kanya,” sabi umano ni Duterte.

Sinabi ni Castro sa reklamo na iniuugnay rin siya ng dating Pangulo sa komunistang grupo.

Isa si Castro sa kumukuwestyon sa P125 milyong confidential fund na ginamit umano ni VP Sara sa loob lang ng 11 araw ng 2022.

Sa panig naman ni Dean Antonio La Viña, isa sa lead counsels ni Castro, ang paghahain ng kasong grave threats laban kay Duterte ay historical dahil ito ang unang pagkakataon na ang dating pangulo ay mahaharap sa kaso sa isang local court matapos ang kanyang termino noong June 30, 2022.

Ayon pa kay La Viña, kung mapatunayan ng ­korte na guilty si Duterte sa grave threats ay maaaring maharap ito sa maximum na six years imprisonment at multang P100,000.

Read more on philstar.com