Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Ex-NBA players sasalang sa PBA Governors’ Cup | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Ilang mga dating NBA players ang sasalang sa darating na PBA Season 49 Governors’ Cup.

Ang mga ito ay sina Darius Days ng TNT Tropang Giga, Glenn Robinson III ng Magnolia, Scotty Hopson ng Converge, Ricky Ledo ng Blackwater at Myke Henry ng NLEX.

Ang 24-anyos na si Days ay naglaro sa NBA para sa Houston Rockets noong 2022-23 NBA season matapos hindi mapili sa Rookie Draft.

Sumalang din ang Louisiana State product para sa Rio Grande Valley Vipers, ang G League team ng Rockets.

Hindi nakuha ng Tropang Giga ang serbisyo ni 2023 PBA Best Import Rondae Hollis Jefferson na maglalaro sa Europe.

Samantala, impresibo rin ang credentials ni Ro­binson III na kumampanya para sa Golden State Warriors noong 2019 at sa Sacramento Kings noong 2021.

Bukod sa Warriors at Kings ay naglaro rin ang 2014 NBA Draft No. 40 overall pick para sa Minnesota Timberwolves, Philadelphia 76ers, Indiana Pacers at Detroit Pistons.

Ang 34-anyos namang si Hopson, isang undrafted player noong 2011 NBA draft, ay sumalang para sa Cleveland Cavaliers, Dallas Mavericks, Oklahoma City Thunder at Rockets.

Sumabak si Ledo sa NBA para sa Mavericks at New York Knicks, habang isinuot ni Henry ang uniporme ng Memphis Grizzlies bago naglaro sa mga liga sa Greece, Italy, Poland at Indonesia.

Ang iba pang imports na makikita sa PBA Season 49 Governors’ Cup na magbubukas sa Agosto 18 ay sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra, Allen Durham ng Meralco, Aaron Fuller ng Rain or Shine, Tauras Jogela ng San Miguel, Jayveous McKinnis ng Phoenix, Taylor Johns ng NorthPort at Brandon Edwards ng Terrafirma.

Read more on philstar.com