SA PAGPINTA NG BUHAY, TIWALA SA SARILI ANG PUHUNAN
Sa pagtitiwala sa sarili at tulong ng social media app na TikTok, mas nahubog ang kakayahan sa pagpipinta at nasuportahan ang kaniyang pag-aaral at pamilya ni Jean Pauline J. Maglangit, isang Senior High School graduate sa ilalim ng Academic Track at Strand na Humanities and Social Sciences mula sa Opol National Secondary Technical School sa Misamis Oriental.