Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Hindi kami magkaaway': Kim Chiu game makatrabaho ex-BF Xian Lim sa GMA | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang problema ang aktres na si Kim Chiu na makatrabahong muli ang Kapuso actor at ex-boyfriend na si Xian Lim ngayong nasa GMA Network na ang kanilang noontime show na "It's Showtime."

Ito ang ibinahagi ni Kim matapos ang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network officials nitong Miyerkules kaugnay ng paglipat ng programa sa Channel 7.

"Okay lang naman [na makatrabaho ko siya]. Mag-guest siya sa 'Showtime.' Or mag-prod siya," paliwanag ni Kim sa panayam ng GMA News.

"Hindi naman kami magkaaway."

Disyembre 2023 nang kumpirmahin ni Kim ang hiwalayan sa long-term boyfriend na si Xian matapos ang relasyong umabot ng halos 12 taon.

Bago ito, matatandaang binura ni Xian ang mga YouTube videos niya kasama ang ngayo'y ex-girlfriend.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng aktres na wala na siyang balita tungkol sa usap-usapang bagong relasyon ng kanyang ex-boyfie.

Ngayong nasa "siete" na si Kim, ibinahagi niyang game na game siyang makatraho ang stars ng himpilan gaya nina Marian Rivera, Jennelyn Mercado, Dennis Trillo, Ruru Madrid at Barbie Forteza.

"Now it's time to like, try new things, experience new things and do something new," dagdag pa niya.

Mapapanood si Kim kasama ng "It's Showtime" hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario atbp. sa GMA-7 simula ika-6 ng Abril.

Read more on philstar.com