Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Hindi ko na maalala, your honor': Vice Ganda pinagkatuwaan Tarlac mayor | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi natiis ng TV host na si Vice Ganda na mapagtripan sa "It's Showtime" ang isyu ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos maparatangang Chinese citizen, Chinese spy at protektor ng na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang huli.

Isa kasing contestant sa "Expecially for You" segment ng "It's Showtime" ang inihalintulad ni Jhong Hilario sa mga Korean pop star. Dito na bumanat si Vice at sinabing iba ang kanyang lahi.

"Chinese siya. Nakalimutan ko lang 'yung pangalan niya," sabay tawa ng host habang binibiro ang contestant na si Ria nitong Lunes.

"Late [kasi] na-register 'yung birth certificate." 

Biyernes lang din nang i-hot seat ni Vice ang Tsinoy contestant na si Chris, bagay na sinundan ng mga katanungan tungkol sa kanyang birth certificate at mga magulang.

"At least naaalala niya [ang mga sagot], 'di ba? Very good," sabi ni Meme Vice sa contestant.

Nang matanong ni Jhong kung sino ang "makakalimuting" personahe, ito na lang ang naisagot ni Vice: "'Yung nandoon sa Senate hearing! Hindi mo ba napanood? Panoorin niyo kaya nang aware tayo."

nawt bamban, tarlac mayor alice guo catching strays from vice ganda live on showtime ???? pic.twitter.com/eFEUbfuZgR

Isang linggo na ang nakalilipas nang itanggi ni Guo sa Senate hearing ang kanyang kuneksyon sa POGO operations. Gayunpaman, hindi niya masagot kung saan siya ipinanganak, saan nag-aral, atbp.

Panay, "Your honor, hindi ko na po maalala," ang naging sagot ng alkalde sa mga naturang katanungan. Una nang sinabi ni Guo na homeschooled siya mula elementarya hanggang high school kung kaya't walang school records. Gayunpaman, 'di niya masabi kung anong homeschool provider nito.

Una nang ipinagtaka ni Sen. Risa Hontiveros kung bakit 17-anyos na si Guo nakapagparehistro ng kanyang kapanganakan. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit hindi ito agad nagawa.

Pinanggalingan na tuloy ng sari-saring internet memes ang isyu. Ang ilang netizens pa nga, nahumaling pa sa ganda ni Guo. 

Marso 2024 lang nang salakayin ng Philippine Anti-Organized Crime Commission, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang POGO hub na Zuan Yuan Technology Inc. sa Bamban,

Read more on philstar.com