Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Lalaki na 61 taon nang sports commentator, nakatanggap ng Guinness World Record! | Pang-Masa

ISANG 86-anyos na sports commentator sa Turkey ang nakapagtala ng world record dahil sa anim na dekada niyang career!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Orhan Ayhan ang pinakabagong record holder ng titulong ‘Longest Career as a Sports Commentator’ dahil sa 61 taon niyang pagtatrabaho bilang commentator ng iba’t ibang sports mula 1963 hanggang sa kasalukuyan.

Ang event na una siyang naging sports commentator ay noong Enero 1963 kung saan naglaban ang Turkey at Italy sa European Cup football match. Sa radyo pa siya noon commentator dahil wala pa noong television broadcast sa Turkey.

Ang mga mahahalagang sporting events na kanyang na-cover ay mga boxing events sa Olympics noong 1972, 1996, 2000, 2004, 2008 at 2012. Naging commentator din siya ng mga World Cup football match noong 1994 at 2002.

Bukod sa pagiging commentator, sports columnist din siya sa ilang diyaryo sa Turkey.

Read more on philstar.com