Mamemeke ng pasaporte, 15 taon kulong | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang Republic Act No. 119831 o ang “New Philippine Passport Act” .
Sa ilalim ng nasabing batas, may mandato ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag at panatilihin ang online application portal at electronic One Stop Shop na accessible sa kanilang official website.
Inaatasan din ng bagong batas ang DFA na maglagay ng offsite at mobile passport services sa mga labas ng consular offices at foreign service posts (FSPs).
Inaatasan din ang DFA na ayusin ang accomodation para sa regular passports ng senior cirizens, PWDs, buntis, mga menor-de-edad na 7 taon pababa, solo parents, OFWs at indibidwal na may emergency at exceptional cases.
Paparusahan naman ang sinuman na walang legal authority na magkukumpiska, retains, o withholds ng pasaporte na inisyu ng DFA ng hindi baba sa 12 taong pagkakabilanggo at multang hindi baba sa P1 milyon o tataas sa P2 milyon.
Ang hindi gagamit ng tama sa pasaporte at iba pang travel document o magpepeke nito ay nahaharap sa 15 taong kulong at multa na hindi baba sa P100,000 at hindi hihigit sa P250,000.