Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Manny Pacquiao at Train to Busan actor, tuloy sa pelikula | Pilipino Star Ngayon

Sinagot ni Vice Ganda ang isyung sumawsaw siya sa kontrobersya ng pamilya ng two-time Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sinagot nga niya sa Twitter ang komento ng ilang followers niya sa pagiging pakialamera. “Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang ‘yan dahil mas gusto kong ice­lebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya,” buong tweet ng komedyante sa X.

Pero may sumagot na follower na binanggit kasi ni Vice na “mas mahirap pa yun kesa makakuha ng gold sa olympics” at obvious daw na pa-shade ito sa Pinoy Olympic gold medalist na hindi pa rin diumano nakakasundo ang pamilya. Ang ina raw kasi ni Carlos na si Angelica ang kinampihan nito.

Pinaalalahanan ang komedyante na hindi raw sila lumabas sa tiyan ng nanay nila kahapon.

Kilalang maka-pamilya si Vice.

Sa isang episode ng EXpecially For You ng It’s Showtime ay nagkomento host na mahirap raw kapag may problema sa pamilya na base naman sa karanasan ng isang contestant.

“Mas parang, kung iisipin mo, mas mahirap pa ‘yan sa makakuha ng gold sa Olympics, ‘di ba?”

Anyway, pinakikiusapan na ni former Ilocos Gov. Chavit Singson na ipakita ni Carlos ang pagiging role model.

Hanggang ngayon diumano kasi ay wala pa ring paramdam ang double Olympic gold medalist sa kanyang pamilya na nakatira pa rin daw sa looban at nagko-commute pa rin. Pero kahapon ay masaya siyang sumabak sa trending na Maybe This Time TikTok challenge kasama ang girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose.

“Well, ngayon sikat siya, ‘wag siyang magbago. Dapat siyang role model at number one, pamilya. Kung anuman ang nangyari sa kanila, kalimutan na niya. Nasa sampung bilin ‘yon ng Diyos, respect thy father and thy mother.”

At inulit nga niya ang pakiusap kay Caloy kapalit ng ibibigay niya P5 million: “Kung ano ang mga nangyari, patawarin mo na sila. Bilin din ng Diyos ’yan, forgive your… Magbati lang sila, okay na, bigay ko sa kanya P5 million.”

Samantala, problemado pala ngayon ang dating pulitiko at movie producer matapos siyang alukin ni former president Duterte na kumandidato siyang senador sa 2025. “Ayun na nga problema ko eh, baka akala magse-Senator ako pero

Read more on philstar.com