Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

May tsansa ang Pinas sa sambo – Tancontian | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang potensyal ng Pilipinas na makahirit ng gold medal sa sambo event.

Ito ang deklarasyon ni Sambo Pilipinas Federation president Paolo Tancontian sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) “Usapang Sports” kahapon sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Mula nang ipakilala sa bansa noong 2018 at maging opisyal na miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) may apat na taon na ang nakakalipas ay humahakot na ng tagumpay ang sambo sa international competition.

Kabilang dito ang Dutch Open sa Netherlands kung saan kumubra ang Team Philippines ng tatlong golds, isang silver at isang bronze.

“We’re proud to say that the Philippines is the only Southeast Asian nation na napabilang sa podium sa Dutch Open,” ani Tancontian.

“Napakahirap Manalo dito, dahil mostly European ang kalaban, doble ang laki at taas sa ating mga fighters, but we proved that mas skillful tayo dahil solid ang fundamentals natin,” wika pa ni Tancontian.

Mistulang family affair ang kaganapan sa Dutch Open matapos magwagi ng ginto ang magkapatid na Sydney at Chino Tancontian habang nakakakuha ng silver ang kanilang ama na si Paolo.

Naisubi naman ng kanilang head coach na si Ace Larida ang isa pang ginto sa Master’s class.

“Napatunayan natin na kahit kulang tayo sa taas at laki, yung tapang at bilis ng ating mga atleta ay isang advantage na puwede nating magamit. Actually, plano naming mas sumali sa Europe kesya sa Asian meet dahil kaya nating manalo dito, malaking bagay para sa ranking ng ating mga atleta” wika ni Tancontian.

“Sa Asia kasi mabigat na kalaban ang mga East Asian nation dahil malaki ang impluwensiya sa kanila ng Russia na siyang No.1 sa sports ng Sambo,” dagdag nito sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat. 

Mataas na rin ang pagkilala ng international community ng sambo sa Pilipinas kung kaya’t napili bilang miyembro ng Executive Board ng Sambo International Federation si Sydney Tancontian bilang kinatawan sa Athletes Commission.

Puspusan na ang pagsasanay at paghahanda ng Team Philippines para sa pagsabak sa malalaking torneo sa abroad ngayong

Read more on philstar.com