Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Meralco nakipagtulungan sa mga kumpanya mula South Korea para pag-aralan ang nuclear energy | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa harap ng lumalaking pangangailangan sa kuryente at iba pang isyu ukol sa kalikasan, pinag-aaralan ng pamahalaan kung paano palalawakin ang mga pinagkukunan ng enerhiya upang mapanatili ang seguridad sa kuryente.

Isa ang nuclear energy sa mga tinitingnang low-carbon at maaasahang energy source. Inanunsyo ng pamahalaan kamakailan na pag-aaralan na ang muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). 

Sa tulong ng mga internasyonal na eksperto, tinitingnan din ang pagkakaroon ng makabagong Nuclear Energy Program (NEP).

Sa ilalim ng Executive Order No. 164 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 28, 2022, nagkaroon ng pambansang posisyon para sa NEP bilang pagpapahayag ng desisyon ng gobyerno upang bigyang konsiderasyon ang nuclear power bilang isa mga pinagkukunan ng enerhiya.

Ang EO ang naging tulay para sa pagbuo ng NEP-Inter-Agency Committee (IAC) sa pangunguna ng Department of Energy upang isakatuparan ang NEP alinsunod sa mga pamantayang internasyonal na itinakda ng International Atomic Energy Agency (IAEA), ang nuclear regulator ng United Nations.

Kasalukuyang ipinagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang plano ni Duterte na isulong ang estratehiya tungo sa pagtatayo ng mga nuclear power plant upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa kuryente at mabawasan ang carbon emissions ng bansa.

Sa ilalim ng Philippine Energy Plan, target na magkaroon ng 1,200 megawatts (MW) ng nuclear capacity ang bansa pagsapit ng 2032. Madaragdagan pa ito ng 2,400 MW sa 2035 at magiging 4,800 MW sa taong  2050.

Suportado ng Manila Electric Co. (Meralco) ang mga hakbang ng gobyerno na magsagawa ng pag-aaral para sa posibleng pagpapatakbo ng mga nuclear power plant sa bansa. Kasabay nito, sinisikap din ng Meralco na palalimin ang kaalaman sa nuclear energy sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga eksperto upang palakasin ang suplay ng kuryente at makamit ang pangmatagalang seguridad sa enerhiya.

Sa ngayon, nagsasagawa ang Meralco ng feasibility study katuwang ang Ultra Safe Nuclear Corp., isang US-based firm, para sa posibleng deployment ng isa o higit pang micro-modular reactor (MMR) energy systems sa bansa.

Bu

Read more on philstar.com
DMCA