Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PCSO sa 90: Kawanggawa, tutok ang buong bansa | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Markado sa pagdiriwang ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa ika-90 taong anibersaryo nito ngayong Oktubre 30, 2024 ang isang napakahalagang sandali sa matatag na pangako ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga inistatibang pangkawanggawa.

Hindi lang ito pagdiriwang sa halos isang siglong serbisyo sa pagkakawanggawa ng PCSO kundi isa ring pambihirang pangyayari sa kasaysayan  dahil kaalinsabay ito ng unang kauna-unahang Pambansang Araw ng Kawanggawa (National Day of Charity) na idineklara ni Pangulong Marcos Jr. noong Enero 13 ng taong kasalukuyan.

Sa deklarasyong ito, epektibong itinaas ng Presidente ang mga gawain at programang pangkawanggawa bilang isa sa mga prayodidad na mga programa at adyenda ng administrasyon na nagbibigay-daan sa lipunang higit na mapagkalinga. 

Pagkaraan ng halos isang siglong pamamayagpag, mapalad ang PCSO dahil nauunawaan na rin ng pambansang pamahalaan na ang mga gawain at inisyatibang pangkawanggawa ay maaaring maging isang epektibong kasangkapan para sa pampansang progreso lalo na sa ilalim ng Bagong Pilipinas  bilang gabay na prinsipyo sa uri ng pamamahala at liderato ng administrasyon.

Napakahaba na ng panahong namalagi lang sa likuran ang PCSO na matapat na tumatalima sa tungkulin nitong tumulong sa mga nangangailangan hanggang sa pagpasyahan ni Pangulong Marcos Jr. na gawing isa sa napakahalagang element sa pambansang pag-unlad ang kawanggawa. 

Ang deklarasyon ng Pambansang Araw ng Kawanggawa ay nagpalakas sa kanyang panawagan para sa malalim at pundamental na transpormasyon ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan at mga hangarin  para idiin ang pagmamalasakit, pagkakaisa at pambansang responsibilidad sa hanay ng mga Pilipino.

NEW PCSO DRAW FACILITY. PCSO General Manager Melquiades Robles, alongside other officials, on August this year signed a Memorandum of Agreement for the construction of a backup draw court facility in Clark, Pampanga.

Sa temang “Charity: A National Focus” (Kawanggawa, Tutok ang Buong Bansa) ngayong taong ito, malinaw na idinidiin ditto ang hangarin ng pamahalaan ng Pilipinas na itaguyod ang kultura ng pagbibigayan at pagtulong sa mga nangangailangan.     

Read more on philstar.com
DMCA