Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Perfect': Singer ng True Faith ikinasal sa boyfriend sa Amerika | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napa-"love wins" ang maraming fans ng Original Pilipino Music (OPM) matapos ikasal ang bokalista ng True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang karelasyon habang nasa Estados Unidos.

Ito ang ibinahagi ni Marfil sa isang Facebook post nitong Miyerkules (oras sa Pilipinas) habang kaakbay ang kanyang asawang si Mark Angeles.

"It was a beautiful day," ani Medwin kahapon.

Nangyari ang pag-iisang-dibdib ng dalawa sa Rockaway Beach, Pacifica, California sa Amerika nitong ika-11 ng Mayo (oras sa US).

Binati naman ng kanyang mga kabanda ang dalawa sa pag-asang magiging masaya ang kanilang pagsasama.

"CONGRATULATIONS, Meds & Mark!!!" sabi ng banda sa kanilang opisyal na FB page kahapon.

"We wish them all the best! Perfect!!!"

Isinagawa sa California ang kasal lalo na't Hunyo 2013 pa ligal ang same-sex marriage sa natural US state. Ang ganitong kasal ay hindi pa rin kinikilala sa Pilipinas sa kabila nang matagal nang pakikipaglaban dito ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community.

Dekada '90 nang simulang pumutok sa kasikatan ang bandang True Faith dahil sa mga awiting "Huwag na Lang Kaya," "Dahil Ikaw," "Kung Ok Lang Sa'yo," "Perfect," atbp. 

Read more on philstar.com