Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Chiz pinasalamatan mga kapwa senador, Senate staff sa mataas na performance rating

Binigyang ng kredito ni Senate President Francis "Chiz" G. Escudero ang mga kapwa senador at buong institusyon ng Senado sa nakuha niyang mataas na performance rating batay sa latest Pulse Survey.

Ayon kay Escudero, ang latest Pulse Asia Survey kung saan mayorya ng mga Pinoy ay inaprubahan ang kanyang performance bilang isa sa pinakamataas na opisyal ng bansa, ay paglalarawan sa pangako ng Senado na magpasa ng mga makabuluhang batas para sa taumbayan at magbibigay liwanag sa mga isyung makaapekto sa good governance at rule of law.

"We thank the people for recognizing the work being done here in the Senate. My commitment as Senate President is to ensure the Senate continues to work for the people--passing legislation to make the lives of our people easier, help us move faster and make our people's burdens lighter," sabi ni Escudero.

Sa September 6-14, 2024 nationwide survey ng Pulse Asia sa performance at trustworthiness ng mga national government official, nakakuha si Escudero ng majority approval na 60% mula sa mga respondent, ang pinakamataas na naitala sa survey.

Si Escudero ay isa sa apat na opisyal ng gobyerno na nakatanggap ng majority approval rating mula sa mga respondent sa lahat ng tatlong geographic areas ng bansa.

Ang Senate President din ang nakatanggap ng pinakamababang disapproval rating na 8%, ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na nakapagtala ng mababa sa double-digit mark.

Mula nang maupo bilang Senate President noong Mayo, may kabuuhang 137 bills ang naipasa sa Senado at 14 dito ang naging batas na.

"We wasted no time in acting on a significant number of the priority legislation of the Marcos administration. Several of these bills that are also part of the common legislative agenda of Congress are in the advanced stages of discussions. We commit to work on the remaining bills--both national and local--in the remaining session days of the 19th Congress," ani Escudero.

Iniuugnay din ni Escudero ang magandang performance ng institusyon sa pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng Senado at ng House of Representatives.

"Sisiguraduhin natin na walang masasayang na oras sa Senado pagdating sa pagsulong ng mga batas na makabuluhan, hindi lang para

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA