Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Co-Sponsorship Speech Senate Bill No. 2792 under Committee Report No. 301

SENATOR RONALD "BATO" DELA ROSA

"AN ACT ENHANCING THE FINANCIAL LITERACY OF OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWs), AND FOR OTHER PURPOSES"

Mr. President, esteemed colleagues, today I rise in strong support of Senate Bill No. 2792 under Committee Report No. 301, also known as the "OFWs FINANCIAL LITERACY ENHANCEMENT ACT."

"Isusubo na lamang, ibibigay pa." Ganyan po ang karamihan sa ating mga Pilipino: hangga't kayang magtiis; hangga't kayang magbigay. Nangibang-bansa ang ating mga kababayang OFW, malayo sa kanilang pamilya upang mapalapit sa pinapangarap na maginhawang buhay. Di nila alintana ang inip at lungkot. Ang tanging baon lamang nila ay ang pag-asa na balang-araw ay makakapiling ulit ang kanilang pamilya sa isang mas paborableng sirkumstansya.

Ginoong Pangulo, tuwing uuwi po ang ating mga kababayang OFW ay tila may piyesta. Hindi lamang sa kanilang mga tahanan, kundi halos sa buong barangay. Bahagi na rin po marahil, ang pagtataglay nila ng isa sa maipagmamalaking katangian nating mga Pilipino---ang pagiging mapagbigay.

Para po sa mga taong pinalad na maranasan ang kaunting kaginhawaan at kagyat na kaluwagan sa salapi, hindi po natin sila masisisi. Lalo pa't ang gusto lamang nila ay maramdaman ng kanilang mga anak ang magandang buhay at hindi maipatikim ang gutom at pagkasalat.

Ngunit kadalasan, panandalian lamang ang kasiyahan; at imbes na makapagretiro, napipilitan silang bumalik sa ibang bansa upang muling magtrabaho.

Makailang-beses na po natin nasaksihan ang mga ganitong pangyayari kung kaya't lubos ang pagsuporta natin sa panukalang batas na ito na magtuturo ng financial literacy para sa ating mga OFW. For clarification, this is not tantamount to legislating against the Filipino's inherent generosity. Ang nais lamang po natin ay maipaunawa sa ating mga OFW na kung matututunan nila ang tamang pamamahala sa kanilang mga naipon, tiyak na mas makatutulong pa sila sa kanilang pamilya at kapwa.

Bukod po sa pagiging mapagbigay, mapagtiwala rin po ang ating mga OFW. Marami po tuloy sa kanila ang nagiging biktima ng financial scam. Sa tuwing sila po ay mabibiktima, mayroon po itong ripple effect sa financial stability nila at kanilang mga pamilya.

Ang pagpasa

Read more on legacy.senate.gov.ph