Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Excerpts of Q&A of Senator Risa Hontiveros during the DILG budget hearing

Senator Risa Hontiveros (SRH): Yung unang tanong ko po, idudugtong ko yung tinanong ko kanina sa DENR budget hearing dito naman posa DILG, yung tungkol po doon sa SBSI cult sa Socorro.

Noong September 29, 2023, DENR issued a Letter of Suspension for the Protected Area Community-Based Resource Management Agreement in favor of Socorro Bayanihan Services Incorporated o SBIS, based on gross violations of its terms and conditions.

This means that the privilege of SBSI to remain on the land has been revoked, or at least for now suspended.

Marami sa mga okupante ay biktima ng panlilinlang at pagsasamantala. Gusto kong tiyakin na mayroon silang tirahan, kabuhayan, at komunidad na uuwian pagkatapos nito.

Narinig ko na rin po kay Sec. Yulo-Loyzaga na nakikipag-ugnayan na po kayo, Sec. Abalos, Sec. Remulal pati si Sec. Gatchalian para sa isang integrated approach at bukas po yata mayroon po kayong pulong tungkol dito.

So ang tanong ko po ay paano po ang DILG makaka-assist sa smooth at saka mapayapang enforcement ng suspension notice, pati po yung reintegration at posibleng resettlement ng mga occupants? Ano pong suporta ang maibibigay ng DILG doon po sa LGU ng Socorro?

Sec. Benhur Abalos: Magandang hapon po, Mr. Chairperson. Kami po ay nag-uusap ni Secretary Loyzaga at mayroon nga kaming pagpupulong bukas para lahat-lahat po ng mga issues na dapat mabigyan tugon ay bibigyan po namin agad ng tugon. So kasama po rito ang Secretary of Justice, si Boying Remulla, Secretary of DENR at kami po.

Nakikita ko po rito, siguro kailangan siguro ang DSWD rito. At maski nga sa paglilipat sa bahay ay siguro lawakan pa ito. Pero sa ngalan po ng aming ahensya, ang unang-una pong maibibigay namin ay peace and order dahil yun nga ang sinabi sa akin ni Secretary, kinakabahan siyang pumasok roon. At ako'y nagpapasalamat kay Chief PNP at of course sa RD po at kapulisan doon.

Naglagay na po sila sa entrance, naglagay na sila ng mgap ulis doon at hindi lamang yun, sa gitna mismo ng lugar ay parang isang mini-police station na itinayo nila. Ito yung ni-report ni RD Kirby Kraft. Nang sa ganoon makita ng mga tao ang presensya ng pulisya. Ito ay simbolo ng peace and order sa lugar. At sa ibang mga

Read more on legacy.senate.gov.ph