Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Exchange between Senator Risa Hontiveros and PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco during the POGO hearing

Senator Risa Hontiveros (SRH): Yung tanong ko tungkol dun sa former Cabinet official who lobbied on behalf of illegal POGOs.

PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco: Magandang umaga po, Senator Risa. Gusto ko lang po sa pagkakataong ito ikwento yung nangyari sometime in July 2023, kung saan mga ikatlong linggo po yun ng Hulyo 2023 tumanggap po yung aking tanggapan ng tawag mula kay dating Secretary Harry Roque. Doon ay humihingi po siya ng appointment sa akin.

Noon pong ika-26 ng Hulyo 2023 din, nagkaroon po ng pagkakataon na bumisita po sa aking tanggapan sa PAGCOR noong po ay nasa Ermita pa kami. Siya po ay nabigyan ng appointment at siya po ay dumating sa aking tanggapan. Kasama ko po noon sa aking tanggapan ay si Atty. Jessa Fernandez na nandito rin naman. Siya po ang head ng OGLD. Dumating po si dating Secretary Harry Roque kasama po ang isang babae at ipinakilala po niya sa amin ni Atty. Jessa. Ang babaeng yun ay si Cassandra Lee Ong.

At sa kanya pong pagpapakilala sa amin ay sinabi po niya sa may problema pong hinaharap si Binibining Cassandra Lee Ong at ito'y nauukol sa kanyang pagbabayad ng lahat ng mga billing ng kumpanyang kinakatawan niya sa PAGCOR.

So tinanong ko po si Binibinibing Casandra Ong kung ano po ang problema. At sabi po niya ay siya daw po ay nagtiwala sa kanilang authorized representative na nagngangalang Mr. Dennis Cunanan. At yun daw pong anim na buwan na dapat ibinabayad nilang mga buwis sa PAGCOR ay binibigay niya kay Ginoong Dennis Cunanan para ibayad sa PAGCOR. At bukod daw po doon sa mga na mga dapat bayaran sa PAGCOR, ang sinabi ni Binibining Cassandra Ong, may sinisingil pa raw na mga additional fees na fines and penalties si Ginoong Dennis Cunanan sa kay Cassandra.

So, ang kwento po niya, buwanan po ibinibigay niya yung pera kay Ginoong Dennis Cunanan at pinaniniwalaan niya na yun ay ibinabayad sa PAGCOR. Kaya nagulat po sila nang magpadala ng sulat ang tanggapan ni Atty. Jessa Fernandez sa kanila, na nagsasabing meron silang arrears na anim na buwan. Humigit kumulang po yun sa 500,000 dolyares, US dollars.

So sabi ni Cassandra, sa aking naalala, "Chairman, ang totoo po habang tayo'y nag-uusap,

meron na pong nagbabayad sa Land Bank

Read more on legacy.senate.gov.ph