Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - IMEE, to the rescue sa mga komadrona

Bilang tugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga komadrona sa Pilipinas, may ginawang panukalang batas si Senador Imee R. Marcos upang pagtibayin at paunlarin ang kanilang propesyon, lalo na sa pampublikong sektor at malalayong komunidad.

"Ang ating mga komadrona ang kadalasang inaasahan sa mga malalayong Rural Health Units (RHUs) na mag-isang nagbibigay serbisyo sa mga kalapit komunidad na ang kanilang tanging tungkulin ay pagbutihin ang kalagayan ng mga ina at sanggol laban sa mga sakit," ani Marcos.

Kabilang sa nasabing panukala ang pagtataas ng sahod at pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga komadronang nagseserbisyo sa mga pampublikong ospital at health center. Layunin nitong mapaunlad hindi lamang ang propesyon kundi pati ang kalidad ng serbisyong ibinibigay nila.

Bukod dito, binanggit din ni Marcos ang kanyang Senate Bill No. 1724, na naglalayong magpatupad ng mga programa at patakarang magpapabuti sa kalusugan at kalidad ng buhay ng mga manggagawa, kabilang dito ang mga komadrona.

Matagal nang nananawagan ang mga komadrona ng mas mataas na kompensasyon, dahil sa hirap ng kanilang trabaho at kakulangan ng bilang sa propesyon na kadalasang nagdudulot ng burnout at labis na pagkapagod.

Base sa mga pag-aaral, ang tamang proporsyon ay dapat isang komadrona sa bawat 5,000 katao sa isang komunidad, ngunit dahil sa kakulangan, umaabot ito sa isang komadrona sa bawat 80,000 na katao.

Kamakailan lamang ang ika-50 anibersaryo ng Midwifery Week na nagsimulang ipagdiwang noong 1974 sa paglalagda ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Proclamation No. 1275, na nagtatakda sa ikatlong linggo ng Oktubre para sa mga komadrona.

IMEE, to the midwives' rescue

As a response to the challenges faced by midwives in the Philippines, Senator Imee R. Marcos filed a senate bill to strengthen and develop the profession, especially those in public health services and rural communities.

"Our midwives often run far-flung RHUs alone, providing essential health services to communities located miles away, despite their singular role of bringing forth life and improving maternal and infant mortality and morbidity," Marcos said.

Salary raise and provision of additional support to

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA