Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Pahayag ni Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo sa patuloy na tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon (6 October 2024):

"Hinihikayat ko po ang lahat ng mga kababayan natin na nasa Lebanon na lumikas na."

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na malaking hamon ang kinakaharap ngayon ng gobyerno para mapauwi agad ang mga OFWs sa Lebanon dahil sa mga kanseladong outbound flights doon bunsod ng patuloy na pagsabog sa Capital City na Beirut.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, kasalukuyan akong nakikipaguganayan sa DMW, Department of Foreign Affairs at the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para siguruhin na ang mga kababayan natin na nag-avail ng voluntary repatriation ay mapapanatiling ligtas habang hindi pa nakakauwi ng bansa.

Gayunpaman, mayroon ng 430 OFWs at 28 dependents na matagumpay na na-repatriate mula Lebanon dahil sa joint efforts ng DFA, DMW at OWWA.

Bagama't nananatiling nasa Alert Level 3 pa lamang ang Lebanon, hinihikayat ko na ang lahat ng mga kababayan natin na nasa Lebanon na kung maaari ay lumikas na at makipagugnayan sa gobyerno para mapabilis ang paguwi sa bansa. Huwag na nating antayin pang mas lumala ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah bago tayo magdesisyong umuwi ng Pilipinas.

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA