Press Release - Revilla nagpaulan ng tulong sa Mindanao
NAGPAULAN ng tulong ang batikang lingkod-bayan na si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga kababayan sa Mindanao nitong buong araw ng Lunes (Setyembre 30) sa ilalim ng kanyang regular na Bayanihan Relief (BR) program.
Nagtungo ang senador sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat upang magbigay ng ayuda sa mga nangangailangang kababayan, sa pamamagitan na rin ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinimulan ni Revilla ang kanyang araw sa pangunguna sa oath-taking ng mga bagong miyembro ng LAKAS-CMD doon kung saan si siya ang National Chairman ng partido.
Pagkatapos nito, nagtungo ang mambabatas sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte kung saan namahagi siya ng ayuda sa mahigit 2,500 benepisyaryo. Ang bawat isa ay tumanggap ng P2,000. Kasama ni Revilla sa pamamahagi ng tulong sina Cong. Dimple Mastura at Vice Mayor Shameem Mastura.
Mula sa bayan ng Sultan Kudarat, nagtungo ang grupo sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, at namahagi rin ng P4 milyon na ayuda si Revilla, kung saan P2,000 rin ang natanggap ng bawat dumalo. Kasama sa nasabing aktibidad si Mayor Lester Sinsuat.
Pagkatapos ng pamamahagi sa Datu Odin Sinsuat, nagtungo ang senador sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, upang mamahagi rin ng tulong kasama si Gov. Bai Mariam Mangudadatu. Gaya sa ibang lugar ay nakatanggap rin ang bawat kababayan na naroon ng tig-P2,000.
Bandang hapon ay nagtungo naman si Revilla sa lalawigan ng Sultan Kudarat kung saan siya ay sinamahan ni Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu upang mamahagi muli ng ayuda.
"Gaya ng lagi kong sinasabi, binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan hanggang sa tuluyang umunlad ang kanilang mga buhay," ani ni Revilla
"Hindi po tayo magsasawang puntahan mismo ang ating mga kababayan para mag-abot ng tulong. Tungkulin po natin ito at kahit kailan ay hindi natin tatalikuran," dagdag pa ng mambabatas.
Tiniyak ng senador na patuloy siyang mag-aabot ng tulong sa kanyang mga kababayan bilang parte ng