Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Senator Ronald "Bato" Dela Rosa Co-sponsorship speech


Senate Resolution No.1097
CARLOS EDRIEL "CALOY" YULO
GOLD MEDALIST

Mr. President, my dear colleagues:

Today, I rise with great pride and joy to co-sponsor Senate Resolution No. 1097, commending and congratulating Carlos Edriel Yulo for his historic victory at the 2024 Paris Olympics.

Yulo's gold medal in the floor exercise is not just a personal victory; it's an achievement that unites and fills the hearts of every Filipino with pride. Sa kanyang pagkapanalo, Mr. President, buong bansa ang nagdiwang!

Kasabay ng bawat paglundag ni Caloy ang paglukso ng puso ng ating bayan. Wala tayong magawa kundi sabay-sabay na mapabuntong-hininga sa kanyang mga routine na tunay nga namang makapigil-hininga. Isinama tayo ni Caloy sa bawat tumbling at sirko patungong tagumpay.

Umalingawngaw sa buong kapuluan ang pagkapanalo ng ginto ng ating kababayan!

Magpapaalam lang po ako kay Senator Grace Poe. Hihiramin ko lang po ang tanyag na linya ng kanyang yumaong ina para kilalanin ang achievement ni Carlos Yulo. Caloy, you have made your country proud! Not once! But twice!

Pagpaumanhin, Caloy. Hindi namin nais agawin ang spotlight mula sa iyo o makisakay sa iyong pagkapanalo. Talagang masaya lang kami at ipinagmamalaki ka namin at iyong mga nagawa. Marahil hindi mo alam na ang kinang ng iyong mga gintong medalya ay naghatid ng liwanag sa ating bansa na kamakailan lamang ay binalot ng dilim dulot ng bagyo na sinundan ng pagbaha.

Mr. President, sa pagkapanalo ni Carlos Yulo, muli pong bumaha sa ating bayan. Ngunit hindi na po ito ulan kundi tears of joy. Ang atin pong bayan na hati-hati dahil sa pulitika ay pinagkaisa na naman ng sports--ni Carlos Yulo. Higit pa sa ginto ang naibigay ni Caloy sa ating bansa kundi pag-asa at pagkakaisa.

Nitong mga nakaraang araw, laman ng balita pati na rin sa social media ang lumang videos ng isang batang Carlos Yulo. Ipinakikita kung saan siya nagsimula sa sports na kanyang napili, ang gymnastics. Sinabi niya na sana sa susunod na Palarong Pambansa ay mag-champion siya. Pagkalipas ng ilang taon, ang batang si Carlos Yulo na nangangarap mag-champion sa Palarong Pambansa ay Olympic Gold Medalist na. Not once, but twice.

Ngunit hindi isang tumbling

Read more on legacy.senate.gov.ph