Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Statement of Sen. Bong Go: Re: SONA 2024

Una sa lahat, bilang Chair ng Senate Health Committee, nais kong pasalamatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangako na dadagdagan pa ang mga Super Health Centers sa buong bansa sa mga susunod na taon. Isa ito sa matagal na nating ipinaglalaban na mapondohan para mailapit ang pangunahing serbisyo medikal sa mga mahihirap at mga naninirahan sa mga liblib at malalayong lugar.

Kasama na riyan ang pagpaparami ng health facilities, pagpapalakas ng medical assistance programs na nasa loob ng Malasakit Centers na ating itinaguyod, pagpapataas ng benepisyo ng PhilHealth, at ang tamang implementasyon ng Regional Specialty Centers Act na ating pangunahing inisponsor at isa tayo sa nag-akda sa Senado. Tandaan natin na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino!

As Chair of the Senate Sports Committee, I look forward to the administration's thrust to further support health-enhancing sports programs. For me, this must be a key aspect of our continuing fight against illegal drugs. Let us encourage the youth to get into sports, stay away from vices like illegal drugs to keep us healthy and fit!

Kaisa rin po tayo sa anunsyo ng Pangulo na total ban sa POGO operations sa buong bansa. Nararapat lamang gawing prayoridad ang peace and order at security ng mga Pilipino.

Babantayan natin ang mga pangakong naibahagi ng administrasyon tulad ng:

(1) pagpapaigting sa suporta sa local agricultural production at pagtugon sa swine flu na talaga namang humahamon sa ating food security. Importante para sa akin ang laman ng tiyan ng mga Pilipino.

(2) pagtugon sa inflation na ayon mismo sa Pangulo ay nagpapahirap sa mga Pilipino, sana ay hindi ito tuluyang mapabayaan.

(3) lalo pang ibaba ang unemployment rate sa bansa para matiyak na may sapat na kabuhayan ang mga karaniwang Pilipino.

(4) ang pagpapagawa ng karagdagang irrigation systems at pagpaparami pa ng mga KADIWA stores para ilapit sa mga tao ang abot-kayang pagkain.

(5) maremedyuhan ang pangangailangan ng mga lugar na wala pang kuryente at madalas mag-brownout

(5) ang ipaglaban ang tunay na atin pagdating sa isyu ng West Philippine Sea. Sana lang ay magawa ito sa mapayapa at diplomatikong paraan. Ayaw natin ng gulo.

Read more on legacy.senate.gov.ph